PAMILYANG ADIK SA SHABU, MENOR DE EDAD, KALABOSO

shabu12

(NI MAC CABREROS)

NAKAKULONG ngayon ang isang pamilya ng adik, isa rito ay menor de edad, nang mabitag sa ikinasang buy bust habang dalawa katao ang naaktuhang bumabatak sa Marikina City.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sina Jennifer Bitonio, 42, Cris Jean Bitonio, 21, Bernabe Bitonio, 41, at 16-anyos na binatilyong itinago sa pangalang Jobix, pawang nakatira sa Blk 43, Singkamas St., Brgy. Tumana, ng nasabing lungsod.

Sa ulat na nakarating kay EPD director, BGen. Christopher Tambungan, nalambat ang mga nabanggit alas-10:45 gabi ng Miyerkoles.

Nakumpiska sa kanila ang 11 sachet ng pinapalagay na shabu, isang aluminum foil na may bahid ng shabu at improvised tooter, at P1,400 buy-bust money.

Samantala, naaktuhang nagsasagawa ng pot session sina Julius Rivera, 24, welder, at Arnulfo Gimpes, 19, sa No. 23 H. Roxas St., Brgy. San Roque, Marikina City.

Sa ulat, nagsasagawa ng surveillance ang mga operatiba ng Marikina City Police sa mga taong wanted sa nasabing barangay nang makatanggap sila ng impormasyon hinggil sa kasalukuyang pot session alas-6:30 ng gabi ng Miyerkoles.

Agad na kumilos ang mga pulis at nang mapasok ang bahay ay tumambad sa kanila na aktong bumabatak ang dalawang suspek kung saan hawak pa ng mga ito ang aluminum foil at lighter na gamit sa shabu session. Nakuha rin sa mga suspek ang isang sachet ng shabu.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment