P3.4-M SHABU NASAMSAM

shabu16

ISANG 29-anyos na lalaki ang inaresto ng mga tauhan ng Las Piñas  City Police  at nakuhanan ng P3.4 milyong halaga ng shabu sa isang buy-bust operation sa lungsod kamakalawa ng gabi.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek na si Danizon Manese, alyas Tenten, ng C-5 Extension, Barangay Manuyo Dos, Las Piñas City, matapos makipagpalitan ng droga at pera sa isang poseur buyer cop.

Sa ulat ng pulisya, ilang araw ang ginawa nilang pagsubaybay kay Manese bago sila nakipagtransaksyon sa Barangay Manuyo bandang alas-11:30 noong Linggo.

Nasa aktong hawak n ani Manese ang marked money nang lagyan siya ng posas ng pulis na kanyang binentahan ng droga.

Nabawi mula sa suspek ang halos kalahating kilo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P3,400,000 ang street value at marked money. (Dave Medina)

Related posts

Leave a Comment