P1.8-M KUSH INIPIT SA SLEEPING BAG, NASABAT SA NAIA

(NI KOI HIPOLITO)

ARESTADO ng mga operatiba ng PDEA at ng NAIA Inter-Agency Drug Intediction Task Group (NAIA-AIDTG) ang isang suspek na claimant ng hindi bababa sa P1.8 milyon ng mga pinaghihinalaang high grade na marijuana o kush na tinangkang palusutin matapos itong ideklarang “Marvel Comic at Sleeping Bag” nitong Biyernes ng hapon sa Central Mall Exchange Center (CMEC) sa lungsod ng Pasay City.

Base sa report ng Customs NAIA frontliners, ang kontrabando ay nakapangalan sa isang indibidwal na nakatira sa Taguig City at nang isailalim sa physical inspection ng mga otoridad ang laman nasabing sleeping bag ay tumambad sa harapan ng mga ito ang tatlong piraso ng vacuum sealed pouches na naglalaman ng mga pinaniniwalaang kush weed na may bigat na 973 grams at may market value na P1,800.000. Agad naman dinakip ang suspek at ibinigay sa kustodiya ng PDEA na  nakatakdang kasuhan ng paglabag sa Violation of RA 9165 o Comprehensive Laws on Dangerous Drugs Act of 2002 in relation to RA 10863 o Customs Modernization Tarriff Act.(CMTA).

Pinuri naman ni NAIA District Collector Carmelita Talusan ang maagap na pag-aksiyon ng mga Customs NAIA frontliners nang agad ipinaalam sa mga otoridad ng NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADTG) ang kahinahinalang laman ng package.

Ayon pa kay Collector Talusan magpapatuloy ang Customs NAIA sa pagbabantay sa mga magtatangkang magpasok at magpalabas ng mga iligal na droga at iba pang kontrabando alinsunod narin sa direktiba ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerero.

 

Related posts

Leave a Comment