OLIVAREZ, GOLEZ PROKLAMADO NA SA PQUE

oli23

(NI ROSE PULGAR)

NAIPROKLAMA na ng Commission on Election ang nanalong Mayor at Vice Mayor ng Paranaque City sa naganap na midterm election Martes ng gabi.          Dakong alas-11:00 ng gabi nang itinaas ng City Board of Canvasser ang mga kamay nina Edwin Olivarez na muling wagi bilang alkalde at si Rico Golez sa pagka-bise alkalde.

Si Olivarez ay nakakuha ng 169,224 na boto sa kanyang ikatlong termino bilang mayor ng lungsod habang si Golez naman ay nakakuha ng 141,433 na votes.

Ginanap ang proklamasyon sa Parañaque City Sports and Social Hall na kung saan dumalo ang buong pamilya Olivarez, maging ang kanyang mga supporters.

Naiproklama na rin si Joy Tambunting bilang nagwaging kongresista para sa ikalawang distrito ng Parañaque City, matapos manguna sa botong 103,028.

Matagal ang naging hintayan ng proklamasyon sa mga nanalong kandidato, sa nasabing lungsod dahil kinailangang hintayin ang hash code, na magpapababa sa threshold sa 90 percent, pero sa katunayan ay nasa 99 percent na ang transmission of votes.

Ang isa pang naging opsyon ay mapalitan ang mga pumalyang SD cards na magmumula pa sa Laguna.

Natagalan ang paghihintay dahil maraming lugar sa bansa ang humiling din na babaan ang threshold.

Nagpasalamat naman ang Team Paranaque sa pangunguna ni Mayor Olivarez sa kanilang pagkapanalo sa naganap na halalan 2019.

“ In behalf, therefore of my constituents and fellow Paranaquenos, I now urged everyone to be part of our collective advocacies for a more develop and progressive city,” ani Olivarez.

Samantala, sinabi naman ni Police Colonel Rogelio Rosales , hepe  ng Paranaque City Police na very peaceful ang pagdaraos ng eleksyon sa lungsod.

Ayon kay Rosales, walang untoward incident at wala ring violence o kaharasan na naitala ang pulisya habang isinasagawa ang botohan hanggang sa canvassing o bilangan.

Ngunit aniya, mayroong mga report na nakarating sa kanila gaya ng “hakot” ng mga politiko, at vote buying.

Subalit sa serye ng kanilang monitoring at surveillance,wala namang napatunayan sa mga alegasyon.

Mahigit sa 580 pulis ang ipinakalat sa buong lungsod ng Paranaque, mula noong Sabado hanggang Miyerkoles.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment