NOTORYUS NA TAXI DRIVER HULI SA NAIA 

naia3

(NI JESS GALANG)

NASAKOTE ng mga tauhan ng Manila International Airport authority (MIAA) ang isang notorious white taxi driver na wanted dahil sa paniningil ng sobra o overcharging sa mga dumarating na Overseas contract Worker (OFW) sa Ninoy Aquino International Aiport (NAIA).

Ayon kay Manila International Airport Authority [MIAA] general manager Ed Monreal kinilala ang suspek na si Friddie Mago, 49, ng no. 6 E Rodriguez corner FB Harison St. Pasay City .

Napag-alaman na si Mago ang driver ng white taxi na may plate no. TXY -831 ang itinuturo ng kanyang mga nabiktima na OFW na sumingil ng sobra sa kanila nang sumakay sa taxi na minamaneho ng suspek  sa NAIA.

Sinabi ni Airport Police Senior Inspector Roderick Mejia, naaresto si Mago ng kanyang tauhan na si AP02 Joel Estole dahil sa walang uniform at pagparada sa no parking area sa may bay 3 ng NAIA terminal 3.

Ayon pa kay Mejia, nangyari ang pagka-aresto kay Mago bandang alas 5:00 ng hapon noong  October 22, nang makipagmatigasan ito kay Estole at ayaw ibigay ang kanyang lisensiya .

Sa isinagawang imbestigasyon, nadiskubre ni Mejia na si Mago ay isang  notorious driver na naaresto rin kamakailan dahil sa pangongontrata sa mga pasahero na nag-viral sa social media ilang linggo ang nakararaan.

Noong March 1, 2018, nahuli rin ito sa NAIA terminal 3 ng mga tauhan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Nahaharap si Magno ng kasong kriminal sa Pasay city Prosecutors Office dahil sa paglabag ng paragraph 2 of Article 287 or Unjust Vexation; Article 151 or Resistance and Disobedience to a person in authority at Article 148 or Direct Assault sa ilalim ng Revised Penal code.

 

Related posts

Leave a Comment