NIGERIAN SCAMMER PATAY, 3 HULI SA HUMAN TRAFFICKING, CYBERCRIME

(NI HARVEY PEREZ)

ISANG Nigerian national ang napatay habang nadakip naman ang tatlo katao ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation-Cyber Crime Division at Anti Human Trafficking , kasama ang dalawang bading na ang isa ay menor de edad at nagbubugaw ng mga menor de edad,   sa isinagawang magkahiwalay na operasyon sa Cavite at Pasig City.

Sa ginanap na press conference,  napatay si  Okoroike Harrison Chibuike, Nigerian national habang arestado si Eduard Parcedes Godoloson, ng 135 St. Michael Subd.Talaba 7, Bacoor, Cavite City noong Setyembre 17.

Nagpanggap pa umanong miyembro ng Philippine Army si Godoloson at tinangka pang itaboy ang mga ahente ng NBI na aaresto sa kanila matapos pagsinungalingan mayroon umano silang on going operation sa lugar.

Hindi naman pinaniwalaan ng NBI ang dahilan ng suspek dahil nagsagawa na sila ng surveillance base sa mga ibinigay sa kanilang impormasyon na sangkot ang dalawa sa online scam kung saan target na biktimahin ay mga Pinay.

Pumalag umano si Chibuike sa NBI dahilan para ito barilin na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

Samantala, inaresto rin ng NBI sa Pasig City ang mga suspek na sina Alvin Baldomar, alyas Maja Nicolas, 21; at  Jojo alyas Janet, 17, dahil sa pagbubugaw sa may na kababaihan na menor de edad.

Ibinubugaw umano ng mga suspek sa mga parukyano nila sa online ang mga biktima.

Itinurn-over ang mga kabataang nasagip sa Department of Social Welfare and Development(DSWD).

Sinampahan naman ng kasong  paglabag sa RA 9208(Anti Trafficking in persons Act of 2003) at paglabag sa  RA 7610 (Special Protection againstbchild abuse, exploitation and discrimination) ang dalawang suspek.

 

Related posts

Leave a Comment