NASAMPOLAN SA LIQUOR BAN

liquor ban12

(NI JULIE DUIGAN)

SA panimula pa lamang ng liquor ban na may kaugnayan sa halalan , nasa 19 katao  ang nasampolan ng Manila Police District (MPD) na nagsimula ng madaling araw ng Linggo at matatapos bago mag alas-12:00 ng madaling araw ng Martes.

Base sa report ng  MPD, sa pagitan ng ala-1:00 at alas-2:00 ng madaling-araw nang bitbitin ng mga tauhan ng MPD-Binondo Police Station 11  ang 15 katao sa ilang KTV bars sa kanilang nasasakupan sa Muelle dela Industria.

Kabilang sa mga naaresto sa Riverside KTV Bar, ay nakilalang sina Junefel Acebes, 24; Edison Acuyado, 34; Anthony Casio, 34; at Joel Olisco, 35, habang naaresto naman sa 3M KTV bar sina Angelito Manalac, 20; Marlon Amoroso, 19; Nestor Olmido, 26; at Angelo Medrano, 18.

Sa Redlight KTV bar naman sa Binondo din, naaresto sina Ariel Nolasco, 36; Jhon Paulo Cruz, 22; Prince Jimenez, 20; at Florante Marabe, 60, habang sa Juancho KTV bar naman natiyempuhang nag-iinuman sina Ariel Juanillo, 27; Jerry Ponelas, 20; at Marvin Alcantara, 30.

Samantala, bandang alas-2:00 ng madaling-araw naman nang madakip ng mga tauhan ng nasabing himpilan ng pulisya sa panulukan ng Muelle De Binondo, at Tabora Sts., sina Jay-R Carllas, 21; Reynold Atillo, 30, barangay tanod; Peter Bajar, 54; at Renato Aji, 46.

Ayon sa mga pulis, nagpapatrulya sila sa mga nabanggit na lugar bilang bahagi ng pagbibigay ng seguridad sa halalan, nang mamataan ang mga suspek, na nag-iinuman, na paglabag sa Section 261 ng Omnibus Election Code o Liquor Ban, kaya’t kaagad na inaresto ang mga ito at binitbit sa presinto.

Related posts

Leave a Comment