NAPIKON SA SELOS NG BF; BEBOT NANAKSAK

crime85

(NI ALAIN AJERO)

SAKSAK ang isinukli ng isang lasing na bebot sa bintang ng kanyang lasing ding kinakasama  na nakikipag-sex siya sa ibang lalaki, sa Malabon City Linggo ng hapon.

Nananatiling nakaratay sa Ospital ng Malabon sanhi ng  saksak sa likod si Jonathan Gamba, 43, habang dinampot naman ang suspek na nakilalang si Marissa Parawan, 37.

Alas-2:24 pa lamang ng hapon ay matutulog na sana ang dalawa dala ng kalasingan sa loob ng kanilang bahay sa 129 Sitio, Sto. Niño, Brgy. Concepcion.

Mula sa kawalan ay kinompronta ni Gamba si Parawan ukol sa umano’y palihim na pakikipagtagpo nito sa isang alyas “Junior.”

Dito na napikon ang suspect sa tila hindi matapos-tapos na akusasyon ng biktima.

Kumuha ang suspect ng kitchen knife saka inundayan ng isang saksak sa likod ang biktima.

Bagama’t may saksak ay nakalabas ng bahay ang biktima at nakahingi ng tulong sa mga opisyal ng barangay na nagsugod sa kanya sa naturang pagamutan.

Kusa namang sumuko sa pulisya si Parawan at isinuko rin ang ginamit na patalim.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment