NAGLAKO NG FAKE PWD ID, LOLA TIKLO

PWD ID

DINAMPOT ng mga tauhan ng City Social Welfare Development Office (CSWDO) ng Valenzuela City ang isang lola  dahil umano sa paglalako ng pekeng Person with Disability (PWD) ID at iba papeles.

Kalaboso si Elizabeth Katigbak, 58, jobless, residente ng #481 Dulong Tangke, Brgy. Malinta, Valenzuela City.

Ayon sa pulisya, alas-11:00 noong Biyernes ng umaga ay pumunta sa CSWDO ang biktimang si Lucita Cortez, 59, ng Bakawan, Dulong Tangke, Malinta ng nasabi ring lungsod upang beripikahin ang hawak niyang PWD ID at CSWDO Notification Letter for Pension.

Nang tingnan ng social worker na si  Ma. Evan Grace Perez Carmelo ang mga dokumento ni Cortez ay lumitaw na peke ang mga ito.

Bunsod nito, inilahad ni Cortez na galing ang kanyang mga  dokumento kay Katigbak at binayaran niya ng P500 ang ID at P750 naman ang notification letter.

Tiyempong naroon din sa nasabing tanggapan ang suspek at humihingi ng medical assistance kaya’t agad  tumawag ng pulis si Carmelo na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek na kinasuhan ng falsification of public documents. (ALAIN AJERO)

Related posts

Leave a Comment