MURDER SUSPECT NANG-AGAW NG BARIL, PATAY

crimeshooting12

(NI HARVEY PEREZ)

NAPATAY ang  isang 22-anyos na lalaki na inaresto sa bisa ng warrant of arrest  nang mang-agaw ng baril ng isang pulis dahil ayaw makulong sa kasong murder at iligal na droga, Miyerkoles ng madaling araw sa loob ng Manila Police District-Police Station 1, sa Tondo, Maynila.

Nalaman  na ipinu-proseso ang mga dokumento ng suspek na si  Joshua Bajar ,22, ng Building 33 Aroma Compound ,Temporary Housing ,Vitas Tondo, dakong alas 12:30 ng madaling araw nang agawin nito ang baril ni  P/SSG Jayson Emata.

Nakita umano  ni Patrolman June Abanes ang ginawa ng suspek kaya kaagad na pinaputukan at tinamaan sa ulo.

Ayon sa  imbestigasyon ni PMSgt Marlon San Pedro ,ng MPD-homicide section,  unang naaresto ang suspek  dahil may nakabimbin itong warrant of arrest sa kasong murder at iligal na droga  noong Agosto 12.

Nalaman na wala umanong inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.
Tinitingnan dahilan ng pulisya na posibleng ayaw makulong ng suspek kaya minabuti nitong mang-agaw na ng baril.

Idineklarang patay dakong alas 3:50  ng madaling araw ng mga doktor sa Tondo Medical Center ang suspek.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment