MPD STATION COMMANDER ‘ABSENT’ SA PRESINTO,  SINIBAK

MPD LOGO

(NI HARVEY PEREZ)

SINIBAK sa kanyang puwesto ni Manila Police District  Director PBGen. Vicente Danao ang station commander ng MPD-Police Station 9 nang hindi abutan ni Manila Mayor  Francisco “Isko” Moreno Domagoso sa kanyang puwesto matapos  na mag-ikot, Lunes ng madaling araw sa  Maynila.

Nabatid na kaagad ini-relieve si PColonel Glen Ganipac , station commander ng MPD-PS 9 matapos itong hindi makita ni Moreno nang puntahan  sa kanyang presinto.

Itinalagang kapalit ni Ganipac si PColonel Ian Ang, dating taga MPD Strategy Management Planning, para maging kapalit ni Ganipac.

Ayon kay Moreno,  ala 1:00 ng madaling araw nang mag-ikot siya sa MPD-PS 9 kung saan limang pulis lamang ang kanyang inabutan dahilan para ipa-relieve si Ganipac.

“Habang ako ang Mayor ng Maynila bumili na kayo ng maraming toothpick pantukod sa mga mata ninyo para ‘di kayo makatulog,” pabirong sabi ni Moreno.

Dapat umano na laging gising ang mga pulis, partikular na sa gabi, para mabigyan nila ng seguridad ang mga mamamayan ng Maynila.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment