MMDA: WALANG CARMAGEDDON PERO MATINDING TRAFFIC ASAHAN

traffic edsa12

NAGBABALA ang Metro Manila Development Authority ng mas mabigat na daloy ng trapiko ngayong Biyernes, ang simula ng huling weekend bago ang eleksiyon sa Lunes.

Sa kanyang Facebook post, ibinigay na dahilan ni Bong Nebrija ang limang dahilan ng posibleng pagsisikip ng daloy ng trapiko sa mga pangunahing lansangan o maging sa mga secondary roads.

Una umano ang pagsuspinde ng coding sa mga provincial bus sa Edsa at ang pagdaga ng pasahero sa 47 terminal sa Edsa sa Pasay at Quezon City. Marami umano ang uuwi sa kani-kanilang probinsiya para bumoto.

Ikalawa umano ang pagkakaroon ng motorcade sa ilang bahagi ng Edsa at iba pang pangunahing lugar mula umaga hanggang gabi.

Ikatlo ang pagkakaroon ng political rallies at huling buga na rin ng kampanya sa buong Metro Manila kung saan apektado ang inner road na posibleng makarating sa pangunahing lansangan o maging sa Edsa.

Ikaapat ang 60% tsansa ng pag-ulan sa hapon base na rin umano sa kanyang iPhone Weather at ang ikalima ay dahil sa simpleng araw ng Biyernes

“Meron bang Carmageddon? Wala!!!” sabi ni Nebrija sa kanyang post. “God bless us all!,” pagtatapos nito.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment