MMDA TRAFFIC AIDE HULI SA KOTONG

mmda

ARESTADO at sinampahan ng kasong robbery-extortion ang isang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) constable sa Pasig City.

Kinilala ang suspect na si MMDA Traffic Constable II Diosdado dela Cruz, 33.

Ayon sa pulisya, pinara ng suspect ang truck driver na si Francis Leo Lucero, 30 sa kahabaan ng Marcos Highway. Hiningi umano sa biktima ang mga dokumento at sinabing colorum ang truck na minamaneho nito.

Humingi umano si Dela Cruz ng P20,000 subalit naibaba ito sa P18,000 para hindi ma-impound ang truck. Nagbigay naman ng hinihinging pera ang biktima ngunit nang may makitang mga police na nakatayo malapit sa Marcos Highway ay agad itong humingi ng tulong.

Naaresto si Dela Cruz at nabawi ang P9,000. Sinabi nito na pinagpartehan na nila ang pera sa lima nyang kasabwat na nakatakas. Nakakulong si Dela Cruz sa Pasig City detention cell.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment