MISTER TODAS, KA LIVE-IN SUGATAN SA MTPB MEMBER

(NI RENE CRISOSTOMO)

PATAY ang isang 39-anyos na lalaki ,habang sugatan ang ka live-in nito  matapos mabaril at mapatay nang umano’y isang miyembro ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) , habang nasa kasagsaan ng tulog, Biyernes ng madaling araw, sa Parola Compund sa Tondo, Manila.

Nakilala ang biktimang si Arnod Penafronda, ng Pier 4, Barangay 20 Zaragosa St., Tondo , habang nakatakas ang gunman na si Arnold Laon, miyembro ng MTPB at residente ng Gate 56 Parola Compound sakop ng Binondo.

Samantala , isinailalim naman sa interogasyon ang umano’y kasama ni Laon , na kasaukuyang nasa kustodiya ng Manila Police District-Homicide Section, na si Zandro Malopa, kaanib ng Batang City Jail (BCJ), ng Purok 3 Isla Puting Bato, Tondo.

Batay sa ulat na isinumite ni Det. John Charles Duran kay P/Capt. Henry Navarro hepe ng MPD-Homicide Section , bandang alas-5:00 ng  madaling araw, nang pasukin ng gunman ang bahay ng mag live-in. Agad pinagbabaril si Penaronda sa tiyan, habang tinamaan naman ng stray bullet ang kinakasamang si Cristal Joy Bustillos , 32 anyos.

Salaysay ni Bustillos, magkatabi silang natutulog ng biktima at ang mag-iisang taong gulang nilang anak,nang makarinig ng malakas na putok ng baril ,at naramdaman na lamang  nito na may tama na siya ng bala sa paa, at nakita nitong  duguan na ang kanyang kinakasama.

Hinalang resbak ang nangyari sa krimen dahil nitong Nobyembre ay nakipag-duwelo ang biktima kay Malopa at tamaan ito sa kamay habang sa hita naman tinamaan si Malopa.

Nagkasundo naman ang dalawa sa kanilang barangay, subalit ayon sa kinakasama ni Penafronda, nagbanta umano si Malopa na gaganti.

 

Related posts

Leave a Comment