MISTER TINODAS NG LIVE-IN PARTNER

stab

(NI JULIE DUIGAN)

PATAY  ang isang 47-anyos na mister matapos pagsasaksakin ng kanyang ka-live-in na umano’y wala sa katinuan sa Sampaloc, Maynila, Martes ng madaling-araw.

Hindi na umabot ng buhay sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang biktimang si Randy Zara, habang nasa kustodiya naman ng Manila Police District-Homicide Section si Rosemarie Regonay, 36, kapwa residente ng 708-J Marzan St., Sampaloc.

Base sa ulat ni Det. Enjason Fernandez, may hawak ng kaso bandang 1:20 ng madaling araw,, nang maganap ang insidente sa J.Marzan St., sa Sampaloc.

Nagkaroon umano ng palitan ng suntok ang magka-live-in sa hindi pa malamang kadahilanan, at bigla umanong pinag-uundayan ng saksak si Zara.

Nagawa pa umano nitong makatakbo sa loob ng bahay, habang nakatayo lamang sa labas ang ginang, kaya nang maisugod ng ilang kaptibahay , agad din nadakip ang natulalang ginang.

Gayunman , hindi na rin naisalba ang buhay ni Zara , habang dinala naman sa MPD-headquarters si Regonay, para isailalim sa interogasyon.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment