‘MISTER’ SINUNDO SA INUMAN; ‘MISIS’ GINAWANG PUNCHING BAG

rape

(NI CHERK BALAGTAS)

ISANG babae ang natamo ng mga pinsala sa ulo at katawan matapos gawing punching bag ng kanyang kinakasamang na-badtrip matapos sunduin niya ito sa inuman sa Lungsod ng Navotas, Martes ng gabi.

Sa ulat ng Navotas City Police – Women and Children Protection Desk (WCPD), ganap umanong alas-11:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa bahay ng biktimang itinago sa pangalang Joan, 22, sa kahabaan ng Abiola Street, Barangay Tangos South ng nasabing lungsod.

Bago ang insidente ay nakikipaginuman umano ang suspek na kinilalang si Jervi James De Guzman, 26, helper, sa isang shipyard company hindi kalayuan sa kanilang bahay nang sunduin ni Joan at pilit na pinauuwi.

Ngunit sa halip na umuwi ay hindi nito pinansin ang kinakasama kaya’t umuwi na lamang na mag-isa ang biktima, ilang sandali pa ay dumating na rin ang suspek at sinipa ang kanilang pintuan pabukas, nang makita ang biktima ay dinakma niya ito at doon na inumpisahang pagsusuntukin sa kanyang ulo at iba pang bahagi ng katawan na naging sanhi ng mga pinsalang tinamo nito.

Agad namang dumating ang ina ng biktima na itinago rin sa pangalang Angelina, 43, na mabilis na inawat ang suspek ngunit sa halip na magpaawat ito ay maging siya ay pinagsusuntok din ng suspek sa kanyang ulo na nagtamo rin ng pinsala.

Mabilis din namang nakaresponde ang mga tauhan ng barangay na sina  B/T Jose Dainog at B/T Renaldo Dela Cruz at inaresto ang suspek, agad nadala sa pinakamalapit na pagamutan ang dalawang biktima at nilapatan ng lunas.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Navotas City detention cell ang suspek na nahaharap sa kasong Physical injury in relation to RA 9262 o Violence Against Women and Their Children Act at Slight Physical Injury.

Related posts

Leave a Comment