MISTER SINAGASAAN, SINAKSAK; LOVER NI MISIS KALABOSO

(NI FRANCIS SORIANO)

NAKALIGTAS sa tiyak na kamatayan ang isang 37-anyos na mister matapos sagasaan at saksakin ng kalaguyo ng misis sa Valenzuela City, Martes ng madaling araw.

Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col Carlito Gaces, ang biktima na si Jonathan Dela Cruz, 37, messenger at residente ng 351 Tangke St. Malinta, habang ang suspek naman ay nakilalang si Jamil Jesse Caro Tobias, 20, ng 356 GSIS Road, Brgy Gitnang Bayan 1, San Mateo, Rizal.

Ayon kay Gaces, naglalakad sa kahabaan ng Mac Arthur Highway si Dela Cruz dakong alas-12:15 ng madaling araw nang bungguin umano ng suspek gamit ang minamanehong motorsiklo sa kanto ng Gov. Santiago St. Brgy. Malinta. Matapos nitong bundulin ay saka naman inudayan ng mga saksak ang biktima na maswerteng makailang at mabilis na nakahingi ng saklolo sa nag papatrulyang mga awtoridad na nagresulta sa pagkakaaresto nito.

Dahil dito ay kasong attempted murder at illegal possession of deadly weapon ang isinampa ng pulisya laban kay Tobias sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.
Samantala,  una nang inireklamo umano ng biktima si Tobias at kanyang asawa ng adultery at death threat  noong Setyembre 14.

Related posts

Leave a Comment