MISIS NILOOBAN, PINATAY

crime

(NI KOI HIPOLITO)

WALA nang buhay at naliligo na sa sariling dugo ang isang ginang nang matagpuan ng kanyang mister na pinaslang ng hindi pa kilalang magnanakaw o akyat bahay, hapon ng Martes sa loob ng kanilang bahay sa Lot 5, Block 4, Saint Jude Street, Multinational Village, Brgy. Moonwalk, Paranaque City.

Nakilala ang biktima na si Cristina Torres, 29, habang kinilala naman ang asawa nitong nakadiskubre sa bangkay na si Noel Torres.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Paranaque City Police Station at ayon na rin sa salaysay ng asawa ng biktima, kasalukuyan umano siyang nasa biyahe at kausap sa text ang kanyang misis na kasalukuyan umanong naghahanda ng kanilang hapunan subalit pagsapit umano niya sa kanilang tahanan ay nagsindi muna siya ng ensenso sa altar at tinawag ang biktima subalit hindi umano ito sumasagot kaya agad nitong tinungo ang kanilang kuwarto. Nakita nitong magulo ang kanilang mga gamit sa loob ng master’s bed room at nadiskubreng sira ang kanilang vault.

Subalit laking gulat umano nito nang makita ang wala nang buhay na katawan ng kabiyak at nakahandusay sa sahig.

May mga saksak sa katawan ang biktima. Agad humingi ng tulong ang mister sa kanilang mga kapitbahay at tumawag sa istasyon ng pulisya para ipaalam ang nangyaring krimen.

Patuloy naman ang isinasagawang technical investigation ng SPD SOCO para alamin ang pagkatao ng posibleng suspek na umatake at pumaslang sa biktima, inaalam na rin kung magkano ang halaga ng mga pera at alahas na nilimas ng hindi pa tukoy na salarin.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment