MAYNILA IPINAUBAYA NA NI ERAP KAY ISKO

erap100

(NI HARVEY PEREZ)

IBINIGAY na ni outgoing Manila Mayor Joseph Estrada ang Lungsod ng Maynila sa kanyang katunggali na si incoming Manila.Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso at nagwagi sa natapos na national and local elections.

Sa opisyal na pahayag ni Estrada, sinabi nito na nagdesisyon na ang mga mamamayan ng Maynila at mayroon nang bagong liderato na papasok at inihahanda na niya ang lokal na pamahalaan ng Maynila sa isang maayos na turn-over.

“By June 30, my 50 years in politics and public service will come to an end with sterling colors of honesty and genuine concerns for the poor,”ani Estrada.

Gayundin, pinasalamatan  ni Estrada ang lahat ng nakasama niya at sumuporta sa loob ng limang dekada niya sa pulitika.

Isang panibagong buhay umano ang kanyang haharapin pagkatapos ng kanyang karera sa politika.

“I congratulate the new mayor and I wish him all the best for the good of the people of Manila,” ayon pa kay Estrada.

Hinimok rin ni si Estrada ang kanyang mga supporters na suportahan ang bagong liderato ng Lungsod ng Maynila.

Hangad umano ni Estrada ang tagumpay ng bagong liderato para sa kabutihan ng nakararami.

Idinagdag pa ni Estrada na dahil sa masinop niyang pamamahala, iiwanan umano niya ang Lunsod ng Maynila ng P14 bilyon pondo.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment