MARUMING KUSINA: 1 KRITIKAL SA PALO 

crime

(NI NICK ECHEVARRIA)

NAUWI sa pamamalo ng 2×4 na kahoy na muntik nang ikamatay ng biktima ang mainit na pagtatalo ng dalawang magkapit-bahay  kaugnay sa marumi nilang kusina bandang alas-6:30 Linggo ng gabi sa Marikina City.

Naganap ang insidente sa Blk. 55 Pipino St., Bgy. Tumana ng nasabing lungsod na kapwa tinutuluyan ng biktimang si Michael Aviles, 53, at suspek na si Nepthale C. Omelda, 36, kung saan sila nagkaroon ng mainitang diskusyon sa kalinisan ng common kitchen na kanilang ginagamit pero naawat naman sila ng isa pa nilang kapitbahay.

Nabatid na nagbalik  ang suspek bitbit ang isang metrong 2×4 na kahoy  at pinuntahan ang biktima sa tinutuluyan nitong kwarto at saka walang tanong-tanong na hinataw sa ulo ang nakaalitang kapitbahay sa harap ng pitong taong gulang na babaeng  anak nito na naging sanhi ng pagkawala ng ulirat.

Matapos ang insidente ng pamamalo mabilis namang tumakas ang biktima. Isinugod ang biktima sa Amang Rodriguez Medical Center at patuloy na inoobserbaha.

Nahaharap sa kasong frustrated murder ang tumakas na suspek na pinaghahanap ngayon ng pulisya.

Related posts

Leave a Comment