MARIJUANA DELIVERY: LALAKING SUPPLIER ARESTADO

angkas1

(NI KEVIN COLLANTES)

BILANGGUAN ang binagsakan ng isang 23-anyos na lalaki nang maaresto habang aktong tinatanggap ang ipinadeliber na pakete na may lamang pinatuyong dahon ng marijuana sa isang Angkas driver sa Barangay Rosario, Pasig City Sabado ng madaling araw.

Ang suspek na si Mikko Berino, residente ng naturang barangay, ay nakakulong na at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Lumilitaw sa ulat ng Pasig City Police, sa Eastern Police District (EPD), na dakong 5:00 ng madaling araw nang maaresto ang suspek sa Amang Rodriguez, tapat ng Gomez Village, sa Barangay Rosario.

Bago ang pag-aresto ay humingi ng tulong sa pulisya ang Angkas rider na si Jeffrey Francisco, nang maghinalang mga pinatuyong dahon ng marijuana ang laman ng pakete na ipinade-deliber sa kanya sa suspek.

Kaagad namang nag-abang ang mga alagad ng batas at inaresto ang suspek habang aktong inaabot ang pakete, na may lamang isang pirasong zip locked na transparent sachet ng dried marijuana leaves, na hindi pa batid ang dami at halaga.

 

Related posts

Leave a Comment