MANILA TRAFFIC ENFORCER HULI SA KOTONG

kotong

SWAK sa kulungan at patung-patong na kaso ang kakaharapin ng enforcer ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) matapos umanong mangikil sa isang driver sa Sampaloc, Maynila.

Nagsumbong sa Sampaloc Police ang 25-anyos na driver mula Sta. Cruz, Maynila matapos kikilan ng traffic enforcer na nakilalang si Mark Ordinaryo, 22-anyos.

Miyerkoles nang patawan ang driver ng violation na reckless driving habang binabaybay ang Barlin corner Tolentino Street sa Sampaloc.

Nang ibigay ang Ordinance Violation Receipt (OVR), humirit umano ang enforcer na bigyan siya ng P4,000 kapalit ng hindi pag-ticket sa driver.

Hindi umano kinagat ng driver ang hinihingi ng suspek at napansin din nito na tampered o gamit na at hindi original copy ang OVR na ibinigay sa kaniya.

Ayon sa suspek, may anim na buwan pa lamang siya sa MTPB. Nakatakdang kasuhan ang suspek ng kasong robbery extortion.

 

Related posts

Leave a Comment