MAG-UTOL ARESTADO SA RAPE

arrested12

(NI KEVIN COLLANTES)

KAPWA naghihimas na ng rehas na bakal ang dalawang lalaking magkapatid na kapwa arestado dahil sa pagiging wanted sa kasong panggagahasa sa magkahiwalay na lugar sa Marikina City at Mandaluyong City, nitong Sabado. Batay sa ulat ng Marikina City Police, nabatid na magkasunod na naaresto ang mga suspek na nakilalang sina Ronnie Ric Paz, 27, parking boy at Ricky Ryan Paz, 38, sa kani-kanilang tahanan.

Lumilitaw na dakong alas-12:50 ng hapon nang unang maaresto  ng mga tauhan ng Intelligence Branch si Ronnie Ric sa Saint Mary Street, Provident Village, Barangay Tañong, Marikina City habang dakong ala-1:30 naman ng hapon nang maaresto si Ricky Ryan sa Piling Santos Street, Doña Petra, sa Barangay Tumana, Mandaluyong City.

Dinakip ang mga ito sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Edwin Valdez, Presiding Judge ng Family Court Branch 7 dahil sa kasong rape, ngunit habang isinusulat ang balitang ito ay hindi pa nakapagbibigay ng anumang detalye hinggil sa kaso ang mga awtoridad.

Si Ronnie Ric ay itinuturing na No. 1 most wanted person habang si Ricky Ryan naman ay itinuturing na No. 2 most wanted person ng Marikina City Police dahil sa naturang kaso na kinakaharap nila.

Kapwa detenido na ang dalawa habang hinihintay pa ang commitment order sa kanila ng hukuman.

 

Related posts

Leave a Comment