MAG-LIVE-IN HULI SA DROGA

livein

(PHOTO BY JULIUS CARBO) UMAABOT SA P500,000 halaga ng shabu ang nakumpiska sa mag-live-in matapos silang arestuhin sa buy-bust operation Martes ng madaling araw sa Quezon City.

Unang bumili ng halagang P500 ang pulis na nagkunwang buyer kay Juan Miguel at nang idedeliver ay kasama na nito ang kanyang ka-live-in na si Diane.

Nang maaresto ay nakakuha pa ang mga pulisya ng 85 gramo ng shabu na may street value na P578,000.

Itinanggi naman ng mga suspect na nagbebenta sila ng droga ngunit inamin na ‘runner’ lamang sila at may pinagkukunan ding source. Si Juan Miguel ay sangkot din umano sa mga nakawan sa lugar. Gayong itinatanggi ni Juan Miguel ang pagbebenta, inamin naman ng nanay nito na 14-anyos pa lang ang suspect ay lulong na umano ito sa droga. Kapwa nakakulong ngayon ang mag-live-in .

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment