MAG-DYOWA NAG-’BONDING’; ARESTADO SA SHABU

shabu300

(NI ALAIN AJERO)

KULONG ang isang bebot at ang umano’y karelasyon nitong construction worker matapos mabulagang bumabatak sa Caloocan City, Lunes ng madaling-araw.

Kinilala ang mga naaresto na sina Monaliza Alapide, 47, ng 12 Wyoming St., at Cirilo Paz Jr., 50, ng Santiago St., kapwa ng Vista Verde Executive Village, Caybiga, Brgy. 166, ng lungsod.

Alas-3 ng madaling araw ay may nagnguso sa mga parak na may gumagamit ng shabu sa isang bahay sa naturang village.

Pagresponde ng mga parak ay nabulaga nito ang mga suspek na nagdya-jamming ng shabu sa Copenhagen St., Llano, Brgy. 165, Vista Verde Executive Village.

Hindi na pumorma ang dalawa at nakumpiska sa mga ito ang nakabukas na transparent sachet, isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu , isang lighter at dalawang strip ng aluminum foil.

 

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment