MAG-AMIGA KALOBOSO SA SHABU

amiga1

(NI GUILLERMO OCTAVIO)

ARESTADO ang isang bebot na pinagugulong ang kinikita sa pagpapa-5-6 sa pagtutulak ng shabu at ang kanyang amiga sa isang buy-bust operation sa Malabon City Miyerkoles ng madaling-araw.

Kinilala ang mga dinakip na sina Ruby Mateo, 39, na sangkot din patubuang pautang, at Racquel Serano, 49, kapwa ng 95 5th St. Brgy. 11.

Nasakote ang dalawa dakong alas-3:30 ng madaling-araw sa Prelaya St., Brgy. Tugatog.

Idinaos ang operasyon laban sa mag-amiga matapos ang dalawang linggong pagmamanman ng mga pulis.

Nang makaiskor sa kanila ang mga parak ng P500 halaga ng shabu ay pinosasan na ito ng mga parak

Nang kapkapan ay nakuhan pa ng mga pulis ang 16 na sachets na naglalaman ng hindi pa batid na dami ng shabu at ang buy-bust money.

Related posts

Leave a Comment