LOLONG NEGOSYANTE BINARIL SA LOOB NG TINDAHAN

crimeshooting12

(NI CHERK BALAGTAS)

ISANG matandang lalaking negosyante ang patay matapos barilin sa ulo ng dalawang kalalakihang lulan ng motorsiklo sa Lungsod ng Caloocan hapon ng Martes.

Sa ulat ng Caloocan Police Community (PCP) 4 P/Maj. Rommel Ebarle, kinilala ang biktimang si Jaime Tamayo, 62, negosyante at residente ng Upper Little Baguio Street, Miramonte Heights, Barangay 180 ng nasabing lungsod.

Kasalukuyan umanong abala sa kanyang tindahan ang biktima nang dumating ang mga suspek na pawang mga nakasuot ng face mask at helmet, ganap na alas 3:00 pasado ng hapon.

Ipinarada ng mga ito ang motorsiklo sa tapat mismo ng tindahan ng biktima.

Ayon sa nakasaksing si Christopher Villanueva, 28, ng Kaong Street, Barangay 179, bumibili umano siya nang bumaba umano ang isa sa mga suspek at nilapitan ang biktima saka malapitang binaril sa ulo na agaran nitong ikinasawi.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment