LOLO NAGBARIL SA ULO

(NI FRANCIS SORIANO)

DAHIL sa matinding depression, tinapos na ng isang lolo ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbaril sa kanyang ulo sa Caloocan City, Martes ng hapon.

Kinilala ng awtoridad ang biktima na si Justiniano Malinana, 81, residente ng No. 98 Salvador St. Brgy. 150, Baesa.

Ayon sa imbestigasyon, naganap ang insidente dakong alas-5 ng hapon nang matagpuan ng kanyang anak na si Marivic Enriquez, 54, ang kanyang ama sa loob ng kuwarto nito na duguan na may tama ng bala sa ulo at wala na itong buhay.

Dahil dito ay agad humingi ng tulong sa kanyang mister si Enriquez bago mabilis na isinugod ang biktima sa Quezon City General Hospital subalit, hindi na rin ito umabot nang buhay.

Narekober ng pulisya sa crime scene ang isang cal. 22 revolver na kargado ng isang basyo ng bala at dalawang hindi pumutok na bala at suicide note kung saan nakasaad ang dahilan ng kanyang pagpapakamatay.

 

 

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment