LOLO KALABOSO SA RAPE NG APO

arrested124

(NI JULIE DUIGAN)

KALABOSO ang isang 63-anyos na lolo makaraang ireklamo ng panggagahasa ng sariling apo, sa Tondo, Manila.

Kasong rape o paglabag sa Republic Act 8353  ang haharapin ng suspek na residente ng Tondo, Manila dahil sa reklamo ng 13-anyos na dalagitang apo, Grade 9.

Batay sa ulat ng Manila  Police District-Jose Abad Santos Police Station 7, naganap ang panghahalay ng bandang ala-1:00 ng hapon nitong Lunes (Hunyo 10) sa loob ng kanilang bahay.

Inaresto nina Kagawad Rodolfo Cabinbin at Ex-O Dennis Romio Marquez, ng  Barangay 232 Zone 21 District 2 ang suspek nang pormal na ireklamo ng biktima.

Sa salaysay ng biktima kay P/Corporal Shiela Marie De Guzman, habang mag-isa siyang  natutulog  sa loob ng kanilang bahay ay nagulat siya nang gisingin ng kanyang lolo.

Ini-lock umano ng lolo niya ang pintuan at inutusan siyang maghubad ng underwear at gahasain ito.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment