LOLA SUGATAN SA JEEP

accident

(KEVIN COLLANTES)

Sugatan ang isang 73-anyos na lola nang masagi ng isang pampasaherong jeepney habang tumatawid sa kalsada sa Barangay Sto. Niño, Marikina City nitong Martes.

Nilapatan na ng lunas sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center ang biktimang si Angelica Rodriguez, 73, ng naturang lungsod, habang nakapiit naman sa Marikina Custodial facility ang suspek na si Mark Anthony Solivas, 19, jeepney driver, na sasampahan ng kasong reckless imprudence resulting in serious physical injury.

Sa ulat ng Marikina City Police, lumilitaw na dakong 1:30 ng hapon nang maganap ang insidente sa Shoe Avenue, malapit sa kanto ng Sumulong Highway sa Barangay Sto. Niño.

Nabatid na tumatawid ang biktima sa Shoe Avenue nang mahagip ng unahang bahagi ng pampasaherong jeepney na may plakang DHU-828 at minamaneho ni Solivas.

Kaagad namang isinugod sa pagamutan ang biktima habang naaresto ang suspek.

Related posts

Leave a Comment