LOLA PATAY, 20 HOMELESS SA SUNOG SA PASIG

sunog

PATAY ang isang lola nang makulong sa kanilang bahay sa nangyaring sunog sa isang residential area sa Pasay City nitong Sabado ng madaling araw.

Kinilala ang biktimng namatay na si Corazon Gamboa, 79, naninirahan sa Park Avenue Extension, Pasay City.

Ayon kay Fire Supt. Edgar Tanawan ng Bureau of Fire Protection (BFP), dakong 12:45 ng madaling araw nang sumiklab ang sunog sa 14 kabahayan sa #2942 Park Avenue Extension, Brgy. 79, Zone 10 at tinatayang 20 pamilya ang nawalan ng tirahan.

Sa pahayag ng BFP, si Gamboa ay na-trap sa nasusunog nilang bahay dahil hindi makababa mula sa ikaapat na palapag dahil sa sugat sa kanyang paa.

Ang sunog na umabot ng ikatlong alarma ay idineklarang under control dakong alas-3:53 ng umaga.

Tinatayang umabot sa P200,000 halaga ng mga ari-arian ang natupok ng sunog.

Inaalam pa ang sanhi ng sunog at isa sa tinitingnang anggulo ay ang narinig umanong pagputok sa ikalawang palapag ng isa sa mga bahay.

Hindi naman nadamay ang isang mosque na kadikit lang ng nasunog na mga bahay. (DAVE MEDINA)

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment