LOLA NAKULONG SA SUNOG, PATAY

sunog11

PATAY ang isang ginang  habang nasugatan ang dalawang iba pa sa naganap na sunog sa isang residential area sa Quezon City kamakalawa ng gabi.

Sinasabing nasa loob ng kanilang bahay si Angelita Unite, 65, ng Maria Clara St., Barangay Sto. Domingo, Q.C. nang sumiklab ang sunog ilang oras makalipas ang tanghalian.

Nabatid na nakulong ito sa nasusunog na bahay at hindi nagawang makalabas kaagad at hindi rin naman nagawang mailigtas ng mga miyembro ng pamatay sunog.

Samantalang nasugatan ang isang 63 anyos na babae at isang bata na ang gulang ay tinatayang 4.

Sa ulat ni QC Fire Department Deputy Fire Marshall C/Insp. Gilbert Valdez, idineklarang nasa 5th alarm ang sunog bandang alas-6:13 ng gabi at naideklarang under control bandang alas-8 ng gabi.

Mahigit 180 pamilya ang nawalan ng bahay na tinupok ng apoy na naideklarang fire out bandang alas-9:30 ng gabi. (JC Delos Reyes)

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment