LOLA HINATAW NI LOLO SA ELEKSYON

PINALO

ARESTADO ang isang 68-anyos na lolo matapos hatawin ng meter tool ang kanyang misis na boboto sa isinasagawang eleksyon ng mga opisyal ng senior citizen sa Marikina City, noong Sabado ng umaga.

Nangyari ang insidente sa covered court ng Brgy. Parang sa nabanggit na lungsod bandang alas-10:00, kung saan dinakip ng mga tauhan ng Marikina 161 Rescue Team ang suspek na si Apolonio Barrion y Casabal, alyas Pol, 68, isang tubero.

Nabatid sa Marikina City Police Station (CPS), ayon sa salaysay ng biktimang si Estrella Barrion y Anuran, 70, asawa ng suspek, nagtungo siya sa covered court para bumoto sa eleksyon ng mga senior citizen nang dumating ang kanyang mister na bigla na lamang siyang hinataw ng meter tool sa likod sa hindi mabatid na dahilan sabay sabing “Ang kapal ng mukha mo!?”.

Gayunman, hindi niya pinansin ng suspek ngunit laking gulat niya nang muli siyang hatawin sa ulo na naging dahilan ng kaguluhan sa isinasagawang halalan.

Agad namang tumawag ang naalarmang concerned citizens, sa Marikina 161 Rescue Team na nagresulta para dakpin ang suspek.

Dinala sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center ang biktima kasama ang kanyang mister na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9262 o  “Anti-Violence Against Women and their children (VAWC) Act of 2004. (NICK ECHEVARRIA)

Related posts

Leave a Comment