‘LIFE’ SA PUMATAY SA BIYUDA NI PAPA DOM, INIHATOL

(NI LYSSA VILLAROMAN)

HINATULAN ng reclusion perpetua ng Makati City Regional Trial Court (RTC) ang suspek sa pagpatay sa biyuda ng singer at founder ng reggae band na Tropical Depression na si Dominic “Papadom” Gamboa matapos na ito ay mapatuyan na guilty.Base sa 20 pahinang desisyon ng Makati RTC Branch 149, si Nitro Ison ay napatuyang guilty sa kasong robbery with homicide na isinampa laban sa kanya sa pagpatay kay Ma. Amparo “Teng” Santaromana-Gamboa.

Ayon sa korte ang biktima ay sumakay ng taxi na minamaneho ni Ison noong February 2016 ng madaling araw.

Ang biktima ay natagpuang patay na may isang tama ng bala sa ulo sa loob ng taxi na inabandona sa Kalayaan Avenue kanto ng Bario Bisaya sa Guadalupe Nuevo, Makati City

Base pa rin sa pahayag ng korte si Ison ay nahaharap din sa mga kasong pag-carnap ng mga taxi at karamihan sa kanyang biktima ay mga babaeng pasahero.

Bukod sa hatol na reclusion perpetua, pinagbabayad din ng korte si Ison sa pamilya ng biktima ng P75,000 para sa civil insa demnity; P283,770.50 para actual damages; P75,000 para sa moral damages at P50,000 para sa temperate damages.

Matatandaan na ang biktima ay pinatay tatlong taon matapos ang pagkamatay ni Papadom dahil sa kidney failure noong 2013.

Ang banda ni Papadom ang nagpasikat sa mga kantang ‘Bilog na naman ang Buwan’ at ‘Kapayapaan’.

 

Related posts

Leave a Comment