LIBRENG WIFI SA ISKONEK BONIFACIO SHRINE

(NI HARVEY PEREZ)

MAKATATAMASA na ang publiko ng libreng wifi connections  sa Bonifacio Shrine makaraang  ilunsad ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso  ang bagong  WiFi Kiosk  na tinawag na  “ISKOnek” sa Andres Bonifacio Shrine,

Bukod umano sa libreng wifi connections  maaari rin magamit ng publiko  ang kiosk para sa landline calls, social networking at video calls.

Isinagawa ng alkalde ang launching ng ISKOnek pasado alas 6:00 ng gabi noong Miyerkoles.

Sinabi ni Moreno, hindi lamang ang Bonifacio Shrine ang lalagyan ng libreng wifi  connections kundi maging ang iba pang lugar sa Maynila.

Lalagyan din ng libreng wifi ang mga hospital at iba pang  mga lugar sa Maynila na malimit na puntahan ng mga tao.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment