LAST DAY NG BAR EXAM DINUMOG

BAR EXAMS

DUMAGSA ang mga tao sa labas ng University of Sto. Tomas sa Maynila sa ikaapat at huling linggo ng bar examinations.

Sa tantiya ng pulisya, umabot sa 2,000 ang mga supporter na pumunta.

Remedial law at legal ethics ang mga asignaturang kukunin ngayong Linggo ng 8,000 examinees.

Nagdagdag ng mga tauhan ang pulisya–mula 400, umabot na sa 500 ang ipinakalat na pulis sa paligid ng UST.

Ipinatutupad pa rin ang stop and go traffic scheme para hindi magsikip ang trapiko sa tapat ng unibersidad.

Inaasahang mas marami ang dadagsa mamayang hapon sa tradisyon na “salubong” na ang mga magulang, kaibigan, at tagasuporta ay aabangan ang paglabas ng kanilang mga mahal sa buhay.

Habang sinabi ng pulisya na “generally peaceful” ang bar exams.

Related posts

Leave a Comment