LALAKI NANINGIL NG RENTA, BINUGBOG NG TENANT

crime145

(NI CHERK BALAGTAS)

ISANG 41-anyos na negosyante ang bugbog-sarado  sa kanyang tenant nang mapikon sa sinisingil na renta sa Valenzuela City.

Kinilala ang biktimang si Eddie Llena Manzanero, ng P. Faustino Street, Barangay Punturin, ng nasabing lungsod na kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa Valenzuela Medical Center matapos ng magtamo ng malalalang pinsala sa mukha at katawan habang ang suspek ay kinilalang si Mervin Gripon, 35, ng Block 3 Lot 23 Northville 13 ng nasabing lugar.

Kusang  sumuko si Gripon matapos ang pambubugbog sa biktima.

Sa ulat ng Valenzuela City Police, ganap umanong alas -5:30 ng hapon noong Lunes nang maganap ang insidente sa inuupahang bahay ng suspek.

Pinuntahan ng biktima ang suspect upang paalisin na dahil sa hindi nakakapagbayad ng kanyang renta.

Nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa hanggang bugbugin ng suspect ang may-ari ng bahay.

Duguan na ang biktima ay hindi pa rin ito tinatantanan ng suspect dahilan para awatin na ito ng mga kapitbahay.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment