LALAKI MINARTILYO NG KAPWA KARPINTERO 

MARTILYO

INARESTO ang isang 40-anyos na lalaki makaraang paluin ng martilyo ang kapwa niya karpintero na ikinamatay ng biktima sa Makati City.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, natagpuan lamang nitong Enero 2 ang naagnas nang bangkay ng 60-anyos na karpinterong si Ernesto Aliwanay sa Basement 1 ng Ayala building sa panulukan ng EDSA at Ayala Avenue, Barangay San Lorenzo.

Bunsod nito, agad na inimbitahan ang suspek para isailalim sa imbestigasyon.

Inamin naman ng suspek ang krimen habang isinasailalim sa interogasyon.

Kwento ng suspek, pinalo niya ang ulo ng biktima gamit ang isang martilyo dahilan ng pagkamatay nito.

Lumalabas din sa imbestigasyon na utang ang dahilan kaya nagawa ng suspek ang krimen.

Nakakulong na sa detention facility ng Makati City Police Station ang suspek habang inihahanda ang kasong isasampa sa kanya. (KIKO CUETO)

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment