KRIMEN SA METRO, BUMABA NG 31.58%

lower135

(NI NICK ECHEVARRIA)

BUMABA ng 31.58% ang bilang ng mga krimen na naitala sa Metro Manila sa panahon nang paggunita nitong Holy Week kung ikukumpara sa parehong petsa ng nakalipas na taon.

Base sa datos ng National Capital Region Police Office (NCRPO), bumaba sa 182 ang bilang ng mga insidente ng krimen sa taong ito mula sa 266 na naitala noong March 26 hanggang April 1, 2018.

Kabilang sa mga krimeng binabanggit ang murder, homicide, physical injuries, rape, robbery, theft, motor vehicle at motorcycle theft.

Nabawasan umano ng 56.25% ang mga kaso ng murder mula sa 16 na kaso na ngayon ay mayroon lamang na pito habang ang homicide ay bumaba ng 44.44% mula sa dating siyam na naging  lima na lamang, samantalang ang physical injury naman ay nadagdagan ng 5.17% mula sa  58 na umakyat sa 61, malaki naman ang nabawas sa mga rape cases na umabot sa 72% mula sa dating 25 mga kaso ay nakapagtala na lamang ng pito, 32.08% naman ang ibinaba ng robbery mula 53 na ngayon ay 36 lamang, 33.68% ang nabawas sa mga kaso ng nakawan na dating 95 na nauwi na lamang sa 63 ang carnapping incident nabawasan ng 100% mula sa dalawa na ngayon ay walang naitala samantalang ang stealing ng mga motorcycles ay bumaba ng 62.50% mula sa dating walo na naging tatlo na lamang.

Tinukoy ni NCRPO chief, Major Gen. Guillermo Eleazar ang pagbaba ng krimen sa panahon ng pagtatalaga sa 11,500 mga police personnel sa Kalakhang Maynila at maging ang malawak na public awareness.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment