KOREANO INILUWA NG DAGAT

PATAY SA DAGAT

HINIHINALANG nasa  apat hanggang limang araw nang nakababad sa tubig ang bangkay ng isang 62-anyos na Korean national makaraang matagpuang nakalutang sa karagatan na sakop ng Manila Bay sakop ng Malate, Manila nitong Miyerkoles ng umaga.

Kinilala ang biktima sa pamamagitan ng nakuhang Identification Card sa wallet, na si  Lee Chung Wook.

Batay sa ulat ni Det. John Paul Rojo ng Manila Police District- Homicide Section, bandang alas-4:28 ng madaling araw nang makita nina Irenio Maestre at Nasser Domingo habang sakay ng bangkang de motor, ang palutang-lutang na bangkay ng biktima sa karagatang sakop ng Pres. Quirino Avenue at Roxas Boulevard sa Malate.

Agad nila itong ipinagbigay-alam sa nagpapatrulyang mga tauhan ng Philippine Coast Guard at saka nila ito iniahon sa pampang.

Ang bangkay ay pansamantalang inilagak sa Cruz Funeral Morgue  para sa kaukulang awtopsiya habang patuloy ang imbestigasyon. (RENE CRISOSTOMO)

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment