KELOT TIMBOG SA LECHON ASO

(NI JULIE DUIGAN)

SWAK sa selda ng Manila Police District ang isang 44-anyos na tambay, makaraang maaktuhang nagli-lechon ng aso sa Baseco  Compound sa Port Area, Manila, Huwebes ng tanghali.

Inihahanda na ang kasong paglabag sa Animal Welfare Act sa suspect na si Jovie Lebrando.

Batay sa ulat ni P/Major Rosalino Ibay Jr., hepe ng Special Mayor’s Reaction Team, bandang 11:30 ng tanghali , nang makatanggap ng tawag ang kanyang opisina sa aktibidades ni Lebrando sa nasabing lugar sa Brgy.654, Port Area.

Dahil dito, agad na nagsagawa ng pagsalakay ang kanyang mga tauhan at naaktuhan ng bandang alas-12:55 ng tanghali na nagluluto ng lechon aso ang suspek.

Si Lebrando ay iniharap kay Manila Mayor Isko Moreno, saka ito isinelda para sampahan ng kaso.

 

 

Related posts

Leave a Comment