KAWANI NG CAAP PINIGIL SA DALANG GRANADA SA AIRPORT

grenade12

(NI FROILAN MORELLOS)

INARESTO ng mga tauhan ng Aviation Police ang isang pasahero sa Ninoy Aquino International Airport NAIA) terminal 2, makaraang mahulihan ng granada noong Biyernes ng hapon  habang pasakay sa kanyang flight palabas ng Metro Manila.

Nabatid sa report ng  Office for Transportation (OTS), ang nasabing MK2 grenade ay itinago ni Deogracias Pulmano sa loob ng kanyang backpack , at nadiskubre matapos dumaan sa x-ray scanner sa initial screening inspection.

Ayon sa impormasyon, si Pulmano, sinasabing kawani ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP),  ay isang domestic passenger. Hindi rin maipaliwanag ng Aviation police ang destinasyon nito.

Napag-alaman mula sa ilang tauhan ng (OTS) , agad inalerto ng Aviation Security Group nang lumabas ang imahe ng isang granada sa x-ray monitor.

Agad naman nagpadala ang pamunuan ng Aviation police ng K9 unit sa terminal 2 para suriin ang nasabing bagay. Doon ay nakumpirma na isang live grenade ang nasa bag nito.

Walang maipakitang papeles o dokumento ang suspect sa dala nitong granada.

Ayon naman sa CAAP , mayroon silang kawani na nagngangalang Deogracias Pulmano, ngunit sa kasalukuyan ay inaalam pa ng mga ito kung saan siya nakadestino.

Tiniyak naman ni Manila International Airport Authority general manager Ed Monreal sa riding public at sa airport users na ginagawa ng MIAA ang lahat para maging ligtas ang naturang paliparan.

 

Related posts

Leave a Comment