JUDGE NATANGAYAN NG PERA, ALAHAS SA LOOB NG GYM

crime robber12

(NI ROSE PULGAR)

NATANGAY ang pera, alahas at mahahalagang dokumento na nagkakahalaga ng P.3 milyon ang isang hukom matapos mag-workout sa isang sikat na gym sa lungsod ng Pasay, Martes ng hapon.

Galit na galit at nanlulumo pa nang dumulog sa tanggapan ng Station Investigation and Detective Management Branch ng Pasay City Police ang biktimang si Taguig City Regional Trial Court (RTC) Executive Judge Bernard Bernal, 41, ng Branch 74.

Base sa isinumiteng report ni Police Col. Bernard Yang, hepe  ng Pasay City Police, dakong alas-3:50 Martes ng hapon nang magtungo ang biktima sa loob ng Fitness First Gym sa MOA Complex ng naturang lungsod.

Nagwork-out ang naturang hukom dahilan upang iwan muna nito ang kanyang mga pera at personal belonging sa locker number 549.

Makalipas ang dalawang oras, pagkatapos nitong mag-work-out at pagbalik ng alas-5:04 ng hapon sa locker na pinaglagyan niya ng kanyang gamit ay nakita nitong bukas at wasak ang susi ng locker.

Dito na niya nadiskubre na nawawala na ang kanyang  wallet na nagkakahalaga ng P18,000; diamond ring na nagkakahalaga ng P275,000; P40,000 cash money; driver’s license at ATM card, na may lamang P333,000.

Agad naman itong ipinagbigay sa pamunuan ng gym ang insidente, na kaagad namang inireklamo sa Pasay City Police.

Sa ngayon ay patuloy pa rin nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad at sinusuri na rin ang nakalagay na closed circuit television (CCTV) camera upang matukoy ang pagkakilanlan ng hindi pa nakikilalang salarin.

Related posts

Leave a Comment