JEEPNEY DRIVER NAGBIGTI

HINDI na umabot na buhay sa pagamutan ang isang jeepney driver na nagbigti gamit ang isang electrical extension cord sa Navotas City kahapon ng madaling araw.

Dead on arrival sa Navotas City Hospital si Michael Sevilla, 39, ng 1044 FDR-2, Ignacio St., Bacug, Barangay Daanghari.

Ayon sa anak ni Sevilla na si Michelle, 19, nagpost pa sa Facebook  ang kanyang ama bandang alas-12:05 kaya’t nang kanyang makita at mabasa ang mga katagang “Panginoon, tulungan mo ako sa hindi ko magandang gagawin.”

Biglang kumabog ang dibdib ng dalaga kung kaya’t kaagad na sumugod sa kuwarto ng kanyang ama na bumulaga sa kanya nang buksan ang pinto na nakabitin ito sa kisame gamit ang electric cord na nakapulupot ang dulo sa leeg nito.

Mabilis na humingi ng tulong ang dalaga sa kanilang mga kapitbahay upang maidala ang kanyang ama sa pagamutan subalit hindi na nailigtas pa.

Hindi naman masabi ng dalaga kung ano ang mabigat na dalahin ng kanyang ama kaya’t naisipang kitlin ang sariling buhay. (Alain Ajero)

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment