JEEP RUMAMPA SA CENTER ISLAND, 5 SUGATAN

accident121

(NI KOI HIPOLITO)

HINDI na nagawang makaiwas pa sa disgrasya ang isang tsuper ng jeepney matapos mawalan ito ng kontrol sa manibela at rumampa sa center island at nakabangga pa ng dalawang sasakyan at nasaktan din ang mga sakay nitong lima katao, Lunes ng gabi sa North Bound Cloverleaf cor P. Victor Guadalupe Nuevo sa Makati.

Nakilala ang mga nasaktan na sina Lorna Academia, 48, John Michael Rondina, 16,  Luisito Vicera, 60, Jasmin Vicera, 18, at isang Elona Vicera, mga pawang pasahero ng jeep habang ang driver naman ay kinilalang si Leopoldo Castillo, 60.

Ayon sa report, binabagtas ng jeepney na may plaka na DMF 418 galing ng P. Victor St., ang pababang daan patungo ng North Bound ng Cloverleaf nang mawalan ng kontrol sa manibela si Castilo. Hindi rin umano  gumana ang preno nito dahilan para unang mahagip ang sasakyan na Nissan Terra na may plaka na F1G127 na minamaneho ng driver na si Engineer Dominador Balangue, 46, at ang isa pang Toyota Vios na YU 8865 na minamaneho naman ng isang Jaywen Patio, 37. Pawang patungo sa direksyon ng J. P.Rizal at Edsa Avenue ang mga ito. Agad na dinala sa pagamutan sa Makati ang mga nasaktan na pasahero ng jeep.

Mahaharap ngayon sa mga kaso ng Reckless Imprudence Resulting to Multiple Injury and Damage to Property sa Makati City Prosecutors Office ang nakakulong na driver.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment