IRANIAN KALABOSO SA HINIPUANG CALL CENTER AGENT

arrested

(NI ROSE PULGAR)

ARESTADO ang isang Iranian national nang hipuan umano nito sa kaselanang bahagi ng katawan ang isang dalagang call center agent habang naghihintay ng masasakyang tricyle, Martes ng gabi sa Taguig City.

Nakakulong ngayon sa Taguig City Police ang suspect na si Mehdi Esfini Farahani, 29, binata, ng 438 Pio Del Pilar, Makati City.

Ang biktima ay itinago sa pangalang “Loren”, 21, nakatira  sa Barangay Central Signal, nang nasabing lungsod.

Lumalabas sa report na natanggap ng Southern Police District (SPD), naganap ang insidente dakong alas-7:20, sa harap ng Lakay’s Panceteria, MRT Avenue ng nabanggit na barangay.

Naghihintay ang biktima ng kanyang masasakyang tricycle nang lapitan ng suspect at sapilitang hinihingi ang cellphone number nito at sabay na hinipuan sa kaselanang bahagi ng katawan ng dalawang beses.

Kaagad naman nakatakbo ang biktima at kaagad na nagsumbong ang dalaga sa kanyang ina, na humingi naman ng tulong sa mga pulis, na nagresulta  ng pagkakadakip sa suspect.

Nahaharap sa kasong Acts of Lasciviousness ang suspect.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment