IPINOSAS SA KAMA, CHINESE NATIONAL NA-RESCUE  SA MAKATI

(NI NICK ECHEVARRIA)

NASAGIP ng mga elemento ng CIDG-National Capital Region na nakabase sa Eastern Metro Manila at PCP 3, ng Makati City Police Station, ang isang  Chinese national mula sa kanyang mga kidnappers sa Ermita Building, Batangas St., corner Uruguay St., Brgy. San isidro Makati City, Huwebes ng gabi.

Kinilala ni P/MGen. Amador V. Corpus, director ng CIDG, ang nailigtas na biktima si Jiang Fan Li, 22, mula sa umano’y mga suspek na dumukot ditong sina Lee Arvin Lisboa  Apostol at Brian Alit Requintina.

Sa report na nakarating sa Camp Crame, nag-ugat ang rescue operation makaraang magtungo sa tanggapan ng CIDG ang isang concerned citizen bandang alas-4:00 ng hapon ng Huwebes para isumbong ang dinukot na isang Chinese national na umanoy minamaltrato habang nakaposas.

Agad tinungo ng mga operatiba ng CIDG, kasama ang mga opisyal ng Barangay San IsidroPolice operatives ang nasabing lugar kung saan natagpuan ang biktima na nakaposas sa kama.

Hindi naman makausap nang maayos ng mga miyembro ng raiding team ang biktima dahil hirap umano itong makaintindi ng wikang English at Tagalog habang naaresto naman sa isinagawang operasyon ang mga nabanggit na kidnappers.

Nahaharap ngayon sa kasong serious illegal detention ang mga nadakip na suspek habang inaalam din ng pulisya kung may kaugnayan ang inaresto sa iba pang grupo ng mga kriminal.

Related posts

Leave a Comment