INUMAN NG 2 KAWANI NG MMDA NAUWI SA SUNTUKAN, 1 PATAY

(NI KOI HIPOLITO)

NAMATAY habang ginagamot sa Taguig-Pateros District Hospital ang isang empleyado ng Metro Manila Development Authority (MMDA) matapos suntukin ng kapwa nito empleyado sa isang inuman bandang alas-5:40 ng hapon sa Hagonoy, Pumping Station, C6 Road, Barangay Hagonoy, Taguig City.

Nakilala ang biktima na si Alberto Delgado, 57, MMDA utility at residente ng Reyes St., Barangay New Lower Bicutan sa Taguig, habang ang suspek ay kinilalang si Jazz Orena, 33, MMDA mechanical operator, ng Block 4 Extention, Barangay West Rembo ng Makati City.

Base sa ipinadalang report kay Taguig City police chief PCol. Alexander Santos nagkainuman muna umano ang biktima at ang suspek subalit nauwi sa mainitang pagtatalo na ikinapikon ng suspek.

Nagkasuntukan ang dalawa hanggang matumba ang biktima at mabagok ang ulo.

Binawian din ng buhay ang biktima bandang 7:27 ng gabi dahil sa tinamong sugat sa ulo.

Pansamantalang nakakulong na ngayon ang suspek sa Taguig City police station ang suspek at nakatakdang kasuhan ng homicide sa piskalya.

 

Related posts

Leave a Comment