INJECTABLES NA GAMOT GALING THAILAND NASABAT SA NAIA

(NI FROILAN MORALLOS)

NASAKOTE ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong Linggo ang assorted medicine at injectables dala ng isang pasahero na walang permit  o clearance mula sa Food and Drug  Administration (FDA).

Batay sa report, hindi nakuha ang pagkakilanlan ng pasaherong dumating sa NAIA terminal 3 mula Bangkok,Thailand sakay ng Cebu Pacific flight 5J 930.

Ayon kay Customs NAIA district collector Mimel Talusan, nadiskubre ang nasabing  gamot  nang idaan sa x-ray scanning ang bagahe at nakita ang imahe ng mga gamot .

Matapos ang eksaminasyon ng mga tauhan ng Customs, nakuha sa bagahe ang 67 bottles of Thai FD Supplement, 1 box Diane Ot 35, 70 boxes Estradiol Valerate Injection USP, 9 boxes Hyles 100, 40 packs Destrodiot Benzoate Inj., 100 packs Estrofem 2ml, 100 packs Progynova 2ml, 20 foils OC-35, 50 foils Duoton Fort Ampule and 25 boxes Prolition Depot, nang walang maipakitang health permit.

Ayon pa kay Talusan, walang maipakita ang may-ari o pasahero ng clearance o kaya ay permit to import dahilan upang kumpiskahin ito kasabay sa pag-turnover ng mga ito sa opisina ng FDA para sa masusing imbestigasyon.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment