HIGIT 500 ILLEGAL POGO WORKERS ARESTADO SA SCAM

(NI KOI HIPOLITO)

ARESTADO ng mga pinagsanib na elemento ng Regional Special Operations Unit (RSOU-NCRO), Bureau of Immigrations (BI) at ng Intelligence Service of the Armed Forces of the Philliphines (ISAFP) ang 524 na mga undocumented foreign workers sa nag-o-operate ng isang kumpanyang sangkot sa offshore telecommunications investment, Miyerkoles ng gabi sa Golden Unicom Technology Incorporated sa 7th Flr., Millenium Bldg. 10 NAIA Road, Parañaque City.

Kabilang sa 524 na mga dayuhan na inaresto ay ang 424 Chinese national, 23 Vietnamese, 25 Malaysian, 3 Indonesian, 4 Taiwanese at 45 na mga Myanmar citizens na mga pawang walang kaukulang working permit sa bansa.

Narekober sa mga dayuhan ang desk top computers at communication devices na ginagamit sa pakikipagtransaksyon sa mga posibleng mga biktima ng kanilang modus.

Ayon kay NCRPO Chief PMGen.Guillermo Eleazar, nagsimula ang pag-aresto sa mga suspek matapos makipag-ugnayan ang Chinese authorities sa Bureau of Immigration at inireport ang nasabing kumpanya na nambibiktima umano sa libo-libo nilang mga kababayan sa China at sa ibang mga bansa sa Asya sa pamamagitan ng pag-aalok ng mga pekeng investment.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment